Pages

Tuesday, September 26, 2017

BE LIKE A MAGTATAHO VENDOR


An ENTREPRENEUR Mindset😀

Alam mo ba...

🔥Ang magtataho, walang paki alam yan kung bibili ka o hindi. Pero kahit hindi ka bumili.. bakit pag dating ng hapon ubos na ung paninda?

🔥Kasi kahit na maraming hindi bumibili sa kanya. MERON at MERON parin bibili. Ano ba ginagawa ng magtataho? Nag coconvince ba? HINDI naman di ba? 🙂 ISINISIGAW nya lang ang paninda nya. INTERESADO mismo lalapit. wala siyang paki-alam kung bibili ka o hindi. basta ang sa kanya lang. ISISIGAW nya ang paninda nya para malaman ng mga tao. Sa madaling salita nag IINFORM lang sya.

🔥Friends, hindi natin kailangan mag convince ng tao para sumali. Simple lang. araw-araw ko kinakalat ang online business ko. Araw araw ako nag-iinform ng tao. Ang sa akin lang. MAG IINFORM lang ako ng MAG IINFORM hanggang sa lapitan mismo ng mga interesado.

Ang magtataho sisigaw yan sa buong kalsada. Minsan sa buong kalsada na yun WALANG BUMIBILI. Pero nauubos pa rin ang paninda. Nabubuhay niya ang pamilya nya.



💡Lesson: Masyadong maraming tao ang pwede ma-inform. Huwag ipag-siksikan ang sarili at ubusin ang oras sa mga taong negative (dahil pag dating ng tamang oras ung mga negative na mismo ang lalapit sayo).


Your Online Friend,

Aissa Rowena M. Legaspi
OFW / The Entrepinay 


I have a gift for you for visiting my page!
⇓⇓⇓ GET YOUR FREE eBOOK NOW ⇓⇓⇓

Click DOWNLOAD FREE EBOOK & Tell us where to send!

FREE eBook: HOW TO BE YOUR OWN BOSS

B.Y.OB. 100% FREE Ebook

Just Tell Us Below Where To Send Your FREE Copy

Discover How To Be Your Own Boss, Quit Your Job and Achieve Financial Freedom By Building Your Own Profitable Online Business.

"BYOB eBook is not an ordinary ebook na mababasa mo.  This is definitely an eye-opener and based on results lahat ng matututunan mo."

It's Entirely Free ** Download Your Copy Right Now!

⇨⇨GET YOUR EBOOK NOW⇦⇦


Thursday, September 21, 2017

Nag-quit na si Upline! Ano na ang gagawin ko?

"Naku nag-quit na si upline / sponsor ko.  Paano na to? Ano na ang gagawin ko?"


Ilang beses ko na yang narinig sa mga newbie na member ng mga MLM or ibang affiliation company.

Alam mo bang normal lang na sa mga business na ganito na may dumadating na bago at may nawawala rin.  Lalo na nowadays ay sunod-sunod ang pagsulpot ng mga negosyo sa industriya ng internet.  Marami ang palipat-lipat at sumusubok kung saan mas makakaigi sa kanila at mas magiging maganda ang opportunity nila.

Paano kung nangyari sayo na si sponsor mo ay bigla ka nalang iniwan sa ere? Anong gagawin mo? 

Totoo, nakakafrustrate at nakaka-discourage pag ganun lalo na bago ka pa lang at hindi mo alam kung paano mo gagawin ang negosyo at hindi mo alam kung sino ang lalapitan mo.  Much worst case, baka maisipan mo na ring magquit gaya ni sponsor mo.

Pero teka bago mo maisip na sumuko, basahin mo muna itong 5 guidelines na inihanda ko para sayo.

5 Guidelines Kung Ano Ba Dapat ang Gawin Kapag Pinabayaan Na Ni Upline

1.  PWEDE KANG UMAYAW

Yes! Of course pwedeng-pwede! Pwede itong maging option pero not the best option.  Kung sumali ka sa company or grupo na yun because of your upline only, pwede mo silang sundan sa nilipatan nilang kompanya (kung lumipat sila) or gumive-up ka na lang at iwanan ang pinasok mong industriya.

2.  MAGING RESPONSABLE AT MANINDIGAN SA IYONG NEGOSYO

Ito ang pinaka the best na maaaring mong gawin.  Dapat lagi mong tandaan na walang ibang tao na may pakialam sa negosyo mo kundi ikaw, ang sarili mo.  Tama ba? Yes, pinasali ka ni upline pero hanggang dun lang ang kaya nyang gawin para sa magiging success ng business mo.

3.  HUMANAP NG BAGONG MENTOR

Hindi mahirap maghanap ng bagong magtuturo sayo.  Maging resourceful ka lang maging friendly, sugurado makakahanap ka ng ibang tao na pwedeng mag-guide sayo sa negosyo.  Resourcefulness, means ikaw ang gagawa ng paraan.  Marami na options ngayon na makukunan mo ng mga ideas tulad ng YouTube, Google etc.  Pwede ka ring magbasa ng mga aklat, ebooks, blog posts na tulad nito na related sa business mo at sigurado na makakakuha ka ng tips.  Ako, I am a self-thought type of person, mahilig akong magbasa, manood ng mga helpful videos.  Mas gusto kong inaalam ang mga bagay sa sarili kong paraan.

4.  UMABANTE AT MAG-MOVE-ON

O diba parang sa breakup lang ng magkasintahan (haha).  Hindi porke't iniwan ka ni upline e mukha ka ng basang sisiw jan.  Move-on besh!  Uulitin ko, business mo yan hindi business ni upline mo.  Naniniwala ako na ang pinakamatamis na ganti ay ang ipakita sa kanila na nagtagumpay ka kahit iniwan ka.(yung totoo? hugot ba ito? haha).  Ipakita mo kay upline mo kung ano yung namissed nila nung iniwan ka nila sa ere!

5.   BUILD A NETWORK

Building a network, means mag-buo ka or dumikit ka sa mga credible na mga tao na maaaring makapagbigay sayo ng iba't-ibang advices, hindi lang isa. Nabanggit ko sa number 3 na dapat maging friendly ka, build strong relationship with other people or mentors who are willing to help you.  May mga community na full of successful people and mentors na hindi maramot sa information kahit hindi nila downline.

The bottomline is dapat prepared ka sa mga ganitong sitwasyon, dahil sigurado na it will eventually happen sa online business.  Sundin mo lang yung mga guide na nasa taas para handa ka at alam mo na ang iyong gagawin.

Hope nakatulong ang post ko na ito sayo.

Hanggang sa muli,

Aissa Rowena M. Legaspi
OFW / The Entrepinay



Wednesday, September 20, 2017

7 Tips Kung Paano Magparami ng LIKES sa Facebook

Sino ba ang mag-aakala na ang isang maliit na asul na naka OK sign na kamay ay magiging mahalaga sa larangan ng negosyo sa online?

Yung LIKES na yan ay napaka-valuable lalo na sa tulad mong Online Businessperson.  Tama diba?

Sa number of LIKES, tumataas ang kredibilidad ng produkto or ng taong nagpopost sa facebook.

Paano nga ba magparami ng LIKES?

I will give you 7 tips na nakuha ko sa mga mentors ko kung paano makakuha ng maraming kamay na naka-OK sign.


Tips on How To Get Likes on Facebook


1. BE PROFESSIONAL BUT NOT TOO PROFESSIONAL

Be professional but not too professional.  Ano ba ito?  Parang nakakalito yata.  Be professional in the sense na decent looking ang iyong facebook profile lalo na ang iyong picture.  Wag kang maglalagay ng mga picture na hindi naman ikaw or picture mo nga pero nakatopless ka naman.  Naaalala ko lang nung nagpaparami ako ng fb friends, ang daming nag-aadd sa akin, yung iba nakamaskarang bungo, yung iba nagpapakita ng abs este tabs nila or yung iba mga picture ng cartoon character.  Take note hindi lang produkto mo tinitingnan ng audience mo kundi ang may ari ng produkto din.  Not too professional in a way na wag masyadong pormal or seryoso, profile pic na happy ka na pagtingin palang ng makakakita e ay approachable ka.  Yung hindi sila mahihiya o matatakot na maginquire sayo.

2. CLEAN YOUR TIMELINE

Linisin mo yung timeline mo, alalahanin mo yang facebook mo ay virtual representation ng sarili mo sa online community.  Kung ano yang mga pinopost mo ay yun ang iisipin ng mga makakakita at makakabasa nito.  Kung mahilig kang magpost ng mga bitterness or mga patama (hehe), burahin mo na yan this time at palitan mo na yan ng mga nakakamotivate at positivity.  Bukod sa maraming matutuwa sayo, gaganda pa ang image mo sa mga tao na maaaring maging potential buyers mo.

3. IMPROVE YOUR PAGE

Karamihan ngayon ng mga online businesses ay gumagamit na ng FB page.  Kung wala ka pa nito, madali lang nman gumawa, pwede mong isearch sa youtube or google kung paano.  Kung sakali naman na meron ka ng FB page, I suggest na pagandahin mo ito at sagutan ang lahat ng details lalo na ang ABOUT page na nagpapakita kung para saan ang iyong page.  Gawin mong buyer-friendly ang iyong page na lahat ng information about sa produkto mo nandun na.  Dapat clear sa mga makakabasa kung ano ang inooffer mo at lagi mong ina-update ito.  Maraming paraan kung paano mo mapapaimprove ang page mo by checking on other FB pages or doing your research.

4. GET EXPOSURE

Get exposure by increasing visibility.  Magjoin ka sa mga groups kung saan marami ang members at syempre kung saan ang niche ng business mo.  Kung nagbebenta ka ng make-up or beauty products, magjoin ka sa mga groups tulad ng maraming kababaihan or nakalinya sa pagpapaganda na kung saan alam mong marami kang makukuhang demand.  Kung sasali ka sa mga groups na hindi naman nakalinya ang negosyo mo, parang naglatag ka sa palengke at nilangaw ang paninda mo.  Gets?  Pero syempre hindi ka lang magjojoin sa mga groups, magpopost ka din dito at dapat consistent ka but not to the extent na iispam mo ang group dahil baka naman mabwisit sila sayo at ikick ka.  Lagot na!  at least 2x a day is fine.

5. CREATE VALUABLE CONTENT

Oops wag basta post ng post.  Gawan mo din ng content yang produkto mo.  Content? Ano yun?  Content is kung ano ang masasabi mo sa binebenta mo, maaari itong explanation, product review, testimonials,  benefits etc.  Mas maganda kung sarili mong bersyon ang content na gagawin mo.  Lagyan mo din ng image na related sa product mo para mas maganda tingnan.  At advantage pag maganda ang review mo about your product, hindi lang LIKES ang makukuha mo maaari kang makakuha ng maraming SHARES din.  Mas lalawak ang exposure mo nun.

6.  BE FRIENDLY AND RESPONSIVE

Syempre pag friendly ka maraming matutuwa sayo!  Pag responsive ka mas maraming matutuwa din sayo. At yung tuwa na yun LIKES ang katumbas nun.  Sino ba namang mamimili ang matutuwa kung walang nagaassist na tindera?  Diba nakakainis yun.  Pag tumawag ka sa tindahan ng "Ate pabili po." at walang sumagot sayo, anong mangyayari?  Aalis ka nlang diba at maaaring hindi ka na bumalik sa tindahan na yun dahil laging walang tao.

7.  USE FACEBOOK ADS OR ANY AUTOMATED SYSTEM PLATFORMS

Ayan, let's say nagawa mo na yung tips 1-6.  At still you want more LIKES!  Si Facebook ay may sariling way na kung saan automatic na ang pagaadvertise sa fb.  Ito yung FB Ads, effective way to para magparami ng thumbs up sa internet.  Super powerful system ito ni facebook.  May bayad man pero sure na sulit naman ang  makukuha mong target thumbs up dahil kahit saang sulok na mundo maaaring makarating yang produkto mo.  Try to search for more tactics kung paano magiging automated hindi lang likes kundi ang pagbebenta ng mga produkto mo.


Hopefully nakatulong ako sa inyo at maraming kayong napulot na maaaring nyong mai-apply sa business nyo sa online.

If you want to have a PROVEN POWERFUL AUTOMATED SYSTEM to increase your Facebook Exposure, Get SECRET TECHNIQUE now!


Your friend to success,

OFW / The Entrepinay