"Naku nag-quit na si upline / sponsor ko. Paano na to? Ano na ang gagawin ko?"
Ilang beses ko na yang narinig sa mga newbie na member ng mga MLM or ibang affiliation company.
Alam mo bang normal lang na sa mga business na ganito na may dumadating na bago at may nawawala rin. Lalo na nowadays ay sunod-sunod ang pagsulpot ng mga negosyo sa industriya ng internet. Marami ang palipat-lipat at sumusubok kung saan mas makakaigi sa kanila at mas magiging maganda ang opportunity nila.
Paano kung nangyari sayo na si sponsor mo ay bigla ka nalang iniwan sa ere? Anong gagawin mo?
Totoo, nakakafrustrate at nakaka-discourage pag ganun lalo na bago ka pa lang at hindi mo alam kung paano mo gagawin ang negosyo at hindi mo alam kung sino ang lalapitan mo. Much worst case, baka maisipan mo na ring magquit gaya ni sponsor mo.
Pero teka bago mo maisip na sumuko, basahin mo muna itong 5 guidelines na inihanda ko para sayo.
5 Guidelines Kung Ano Ba Dapat ang Gawin Kapag Pinabayaan Na Ni Upline
1. PWEDE KANG UMAYAW
Yes! Of course pwedeng-pwede! Pwede itong maging option pero not the best option. Kung sumali ka sa company or grupo na yun because of your upline only, pwede mo silang sundan sa nilipatan nilang kompanya (kung lumipat sila) or gumive-up ka na lang at iwanan ang pinasok mong industriya.
2. MAGING RESPONSABLE AT MANINDIGAN SA IYONG NEGOSYO
Ito ang pinaka the best na maaaring mong gawin. Dapat lagi mong tandaan na walang ibang tao na may pakialam sa negosyo mo kundi ikaw, ang sarili mo. Tama ba? Yes, pinasali ka ni upline pero hanggang dun lang ang kaya nyang gawin para sa magiging success ng business mo.
3. HUMANAP NG BAGONG MENTOR
Hindi mahirap maghanap ng bagong magtuturo sayo. Maging resourceful ka lang maging friendly, sugurado makakahanap ka ng ibang tao na pwedeng mag-guide sayo sa negosyo. Resourcefulness, means ikaw ang gagawa ng paraan. Marami na options ngayon na makukunan mo ng mga ideas tulad ng YouTube, Google etc. Pwede ka ring magbasa ng mga aklat, ebooks, blog posts na tulad nito na related sa business mo at sigurado na makakakuha ka ng tips. Ako, I am a self-thought type of person, mahilig akong magbasa, manood ng mga helpful videos. Mas gusto kong inaalam ang mga bagay sa sarili kong paraan.
4. UMABANTE AT MAG-MOVE-ON
O diba parang sa breakup lang ng magkasintahan (haha). Hindi porke't iniwan ka ni upline e mukha ka ng basang sisiw jan. Move-on besh! Uulitin ko, business mo yan hindi business ni upline mo. Naniniwala ako na ang pinakamatamis na ganti ay ang ipakita sa kanila na nagtagumpay ka kahit iniwan ka.(yung totoo? hugot ba ito? haha). Ipakita mo kay upline mo kung ano yung namissed nila nung iniwan ka nila sa ere!
5. BUILD A NETWORK
Building a network, means mag-buo ka or dumikit ka sa mga credible na mga tao na maaaring makapagbigay sayo ng iba't-ibang advices, hindi lang isa. Nabanggit ko sa number 3 na dapat maging friendly ka, build strong relationship with other people or mentors who are willing to help you. May mga community na full of successful people and mentors na hindi maramot sa information kahit hindi nila downline.
The bottomline is dapat prepared ka sa mga ganitong sitwasyon, dahil sigurado na it will eventually happen sa online business. Sundin mo lang yung mga guide na nasa taas para handa ka at alam mo na ang iyong gagawin.